top of page

Kudos! Brava!

"Sa Pagitan Ka Natagpuan"

by Maimai Cantillano

​

parati kong naririnig ang dalawa sa uri ng pagibig,

ang tamang pag-ibig ngunit maling panahon

at tamang panahon ngunit maling pag-ibig,

hindi ko alam kung alin tayo sa dalawa

kung tama pa bang may tayo o kung mali na?

nasaan ka na ba?

hindi na ba talaga tayu magkakatagpo?

dahil kung ito ay tagu-taguan

hindi ko alam kung sino sa ating ang taya

at kung sino sa atin ang nawawala.

" Paano" 

by Ayzhelle

​

 Paano ko sasabihing malungkot ako,

Ni hindi mo nga alam na nasasaktan pala ako?

Paano ko sasabihin yung iniisip ko

Kung alam ko namang siya naman ang laman nung sa iyo?

Nagseselos ako, kasi mahina ako

Pero pagmamahal sana yung ibigay mo

dahil hindi naman awa yung hinahanap ko.

Gusto kong maging perpekto hindi para magyabang.

Para lang matignan kita ng diretso at masabi lahat itong nasa loob ko.

Kaya paano ko sasabihing aalis na ako?
Kung sarili ko nga ay hindi parin kumbinsido
Paano ko sasabihin yung nararamdaman ko
Kung alam kong masaya ka na at yun naman ang gusto ko

"Ano Bes, Kaya pa?"

By: Nikko Subida

​

Hindi biro magmahal,

Mas lalong hindi birong masaktan

Alam kong minsan nakakapagod magmahal pero mas nakakapagod mapagod sa isang taong pinapagod ka nang magmahal.

Kasi dalawa lang yan kung nagpapakatanga ka

O kung hinahayaan mo ang sarili mong gawin ka nilang tanga.

​

"Dulo't Simula?"

By: Zuela Herrera

​

Dahil patuloy lang natin siyang dudugtungan 
Lalapit ako't muling sasabihing “Pakiramdam ko nakilala na kita” 
Susundan mo ng “Bakit nakatingin silang lahat sa'ting dalawa?”
Ngingiti ako't sasabihing, “Mahal, hayaan lang natin sila”

​

"Magmahal Ka?"

By: Marcelo Santos III

​

Magmahal ka ng taong kaya kang mahalin pabalik

Yung hindi mo na kailangang magmakaawa

Dahil ang pag-ibig...

Kusa yang binibigay

Hindi hinihingi,

Hindi nililimos,

Hindi pinipilit...

"Wag Ako"

By: Crystal Bars

​

Huwag ako

Huwag ako hindi dahil sa hindi kita kayang panindigan

Huwag ako hindi dahil sa hindi ko siya kayang tapatan

Huwag ako hindi dahil sa hindi ko siya kayang higitan

Huwag ako hindi dahil sa hindi kita kayang ipaglaban

Huwag ako hindi dahil sa ayoko sa iyo...

​

O dahil hindi na kita gusto

Dahil hindi mo naman kailangang mamili sa aming dalawa

Dahil kung ako talaga, sa umpisa pa lang ako lang sana

Huwag ako dahil hindi mo ako dapat balikan

Dahil ako ang sumuko at nang iwan

Pero sana hindi mo ako binigyan ng dahilan..

"Walang Titulo"

By: Erica Del Rosario

​

Nasaan na yung mga pangakong manalo man o matalo man,

handa mo akong ipaglaban

Mahal, nasa umpisa pa lang tayo ng laro, tila umaatras ka naman
Pagod na ako sa larong ating sinumulan....

​

Mahal, bakit ba ako? Kapalit palit ba ako?

Kasi kung Oo ang sagot mo, Teka! Magkikilay ako!
At kung hindi ang sagot mo

Ipaliwanag mo naman bakit mo ko ginaganito.

"Kapag Nakita Mo Na Siya"

By: Maimai Cantillano

​

Ipaalala mo sa kanya
Na minsan rin siyang humiling sa mga bulalakaw
Na minsan rin siyang namangha
Sa mahika ng buwan at mga bituin
Na minsan rin siyang naniwala
Sa mga salitang nilikha ng pag-ibig
Na minsan rin siyang naniwala sa pag-ibig
Pakiusap, huwag na huwag mo siyang pakakawalan
Huwag na huwag mo siyang susukuan
Hanggang sa maisip niya,
Na ang pag-iisa ay mayroon ding hangganan

bottom of page