It's My Own Choice
- Isabel
- Feb 2, 2017
- 4 min read
Whenever I am sad, I am happy or just simply bored of doing nothing, I always write down everything. The thoughts, the ideas and those little things that are circling in my mind. I thought of making a simple blog site since my teenage days, but for some unknown reasons, the plan always doesn't work. Until one day, a very special friend of mine, introduced a certain website where Eljay Deldoc's works were published. I browsed the website, read and wrote some reply's to his poems and boom, I unexpectedly and unconsciously had created my own site.
Reading one of his poems entitled "Ayokong tinatanong mo ako" was really heartbreaking. I even told my friend, that the author was too hopeful, but at the same time doubtful on what would happen next or what would be the risk of taking the chance to the girl he still cares about.
Please check out below link to read his poem:
I just couldn't forget all of his questions after I read the poem. I couldn't grab my dinner as I just lay on my bed imagining some things and trying to answer those unanswered doubts and reservations. I even asked myself and tried to look for those what ifs? What if he tried his luck in telling his feelings to the girl? Would it differ? Would they have a happy ending? Or did he just accept their sad and tragic story because he just sat there waiting for the course of their fate to be unfolded? Of course, no one knows. Even he, I believe cannot answer those questions because he was not brave enough to open his mouth and face that dreadful moment.
Minutes after minutes of thinking what would happen for those maybe's and if only's, I have come to a simple realization, that I don't agree that all stories are created with fate and chances alone. I believe that the characters in those stories were given choices to choose for their own ending, to prepare their own finale and design their own version of their story.

I fell silent for a moment and just noticed that I was grabbing my phone and typing some words on the memo. No less than an hour, a poem was made. Not a reply to ECD's poem, not the sad and hanging ending, but it's the other way around. A confirmation of love without any doubt and a declaration of promise without uncertainty.
"Itanong Sa Akin"
Gusto kong tanungin mo ako kung nasaan ako
Sasabihing di naman umalis at lagi lang sa tabi mo
Bubulong ng mahina, hahawakan ang kamay mo Aakbay sa mga bisig mo, isasama ka sa aking mundo.
Gusto kong sagutin ang tanong na ito Nang tuluyang mawala ang pagdududa mo At malamang ikaw ang gusto kong kasalo sa mga oras na ito At sa mga araw na darating pa sa buhay ko.
Gusto kong tanungin mo ako kung kumain na ba ako Sagot koy hinihintay kitang yayain ako sa kainang paborito Ipaglalagay ng kanin at ulam sa iyong plato Ipagbubuhos ng inumin sa iyong gamit na baso.
Gusto kong sagutin ang tanong na ito
Nang tuluyang malaman mo na basta't kasama kita'y busog na ako Na sa bawat subo ko ang iniiisip ko'y ang pagmamahal mo At paano matatanggal lahat ng agam agam sa isip mo.
Gusto kong tanungin mo ako kung anong ginagawa ko Ng sa gayo'y malaman mong ito din ang tanong ko sayo Naaalala mo ba o naisip kayang tawagan ako Binabasa mo kaya mga dating mensahe sa iyo.
Gusto kong sagutin ang tanong na ito Ng masabi ko ng deretsahan sayo Lahat ng masasayang sandali'y ikaw ang karamay ko Na kahit ulit uliti'y ikaw pa rin ang pipiliing makasama ko.
Gusto kong tanungin mo ako kung gusto pa ba kita Aamin ako sayo at hindi magdadalawang salita Sasabihing ikaw lang at walang pumalit na iba Noon at ngayon, tayo lang dalawa.
Gusto kong sagutin ang tanong na ito Ipagsisigawan ang malakas kong Oo Sabay yakap ng mahigpit sa katawan mo Ngingiti pagkat alam nating wala namang nagbago.
Gusto kong tanungin mo ako kung mahal pa ba kita Tatawanan at sasabihing nababaliw ka na ba Bakit paulit ulit mong tinatanong ang mga salita Kung sa una palang puso ko'y hawak mo na.
Gusto kong sagutin ang tanong na ito Ipipinta pa upang laging maalala mo Mahal kita walang labis, walang kulang, buong buo Mahal kita uulit ulitin para marinig ng iyong puso.
Gusto kong tanungin mo ako kung okay ako, kung okay na ba ako Tatalon at sasalubingin ka ng mga halik ko Di mo maiisip na may hinahanap pa ako Okay na ako, maayos na ang lagay ng puso ko sayo.
Gusto kong sagutin ang mga tanong na ito Para saan? Para sa ano? Para hindi mo maisip na kailanman ako ay isuko Na hanggang sa huli pipiliin mo ako, pipiliin mo pa rin ang tayo.
Kaya tama na, sasagot na ako Di ko na nga hihintayin pa mga tanong mo Dahil ang gusto ko, sabay na tayo Mangangako ng pag-ibig habang magkadikit ang ating mga noo.
Nasaan na? Kumain ka na ba? Anong iyong ginagawa? Kumusta na? May gusto ka ba? O mahal pa ba kita? Iilan lang yan sa tanong na akala mo walang kasagutan na.
Itanong mo lang, handa naman ako Sasagot ng buong tapang sa iyo Na ikaw ang naging sagot sa lahat ng mga dasal ko At ikaw lang ang minahal, minamahal at ang mamahalin ko.




















Comments