top of page

Ayoko Na

  • Isabel
  • Oct 11, 2017
  • 1 min read

Ayoko Na

"Isang sakay pa,

Malay mo naman makasabay mo na siya".

Yan ang pilit ng kaibigan kong

alam ang kwento naming dalawa.

Pero natatakot na ako,

Nasasaktan kasi nanatiling magulo

Liliko na lang ba ako ng pakanan,

Kakabigin ang manibela pabalik sa nakaraan

Parang ayoko na kasing maglakbay kasama siya

Ayoko ng umasang darating ang araw na mamahaling pa niya

Ayoko ng malamang siya pa rin talaga

ang laman ng puso niya

Ayoko na

Ayoko na -

Nakakapagod na.

 

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page