top of page

Pangako

  • Writer: Marrion Isabel Banal
    Marrion Isabel Banal
  • Sep 23, 2020
  • 1 min read
 

Kung hindi man ngayon ang panahon para sa ating dalawa, pangako…

Kapag pinaghilom na ng panahon ang sugat na ito sa puso ko, hahanapin kita

Kapag nakalimot na ako sa sakit ng pagmamahal niya, baka sakali pwede na.

Doon, doon... hihingi ako ng pagkakataong mahalin natin ang isa’t isa.

Pangako, na sa oras na iyon maipagsisigawan ko na

Hindi na ako kailan man matatakot na ipaglaban ka

Hindi na ako mangagamba sa bawat digmaan para lang maipanalo ka

Hindi na kita ipagdadasal sa mga bituin para lang maging akin ka.

Hindi man ngayon mahal ko, sana’y mahintay mo

Sana’y mahintay mo ako pagkat pangako magiging handa na ako

Sa pagkakataong yon mamahalin na kita ng buo

Mamahalin na kita, pagkat doon mahal ko na ang ako.

Recent Posts

See All

Comentários


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page