top of page

Nasaan Ka Na Ba?

  • Isabel
  • Jun 28, 2019
  • 1 min read

Updated: Sep 23, 2020


Nasaan ka na ba?

Madalas iniisip ko kung darating ka pa ba

Ikaw na kukumpleto sa kwentong para sa atin ginawa

O kailangan ko ulit maghintay sa taong dati ng dumaan

Upang muli niyang buuin ang puso kong minsan na niyang sinaktan.

Nasaan ka na ba? Nakakapagod na din kasi pala

Ang maghanap sa taong ayaw namang magpakita

Nakakapanghinang hindi mo marinig

Ang kung ano mang sinisigaw nitong aking bibig.

Nalilito ako, Nagdududa na

Kaya ko pa ba o baka tama na

Ang hirap lang kasi ng laging namimili

Sa kung ano ang tama at ano ang mali

Nasaan ka na ba? Naligaw ka na ba?

O sadya lang bang nakalimutan mo na

Kung paanong hinabi ang istorya nating dalawa

Kung paanong ang buhay nati'y dapat naman talagang magkita

Nasaan ka na ba? Darating ka pa ba?

O mabubuhay na lang ba akong mag-isa?

Nasaan ka na ba? Nakakainip na din kasi pala

Ang maghintay sa kamay na hahawakan ko hanggang sa pagtanda.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page