Betrayal
Note: This poem is written as one of the seven entries I submitted to Team Maso Bebe's when they were looking for new members to join their group. Actually, this should not be submitted since it was not included in the prompt the group had posted but dahil gusto kong manakit that time, I still tweeted this as an extra entry.
Betrayal
Isang masayang mundo ang ating nabuo
Mga pangarap na unti-unting nagkakatotoo
Nakangiti kong iniisip ang mga susunod na eksena
Hawak mo kamay ko habang nakaharap sa may dambana.
Akala ko wala ng katapusan ang sayang nadarama
Akala ko wala ng hahanapin pa sa pag-ibig na nakita
Nagkamali pala ako sa lalaking aking nakilala
Nagkamali pala ako ng sa puso ko’y pinapasok kita.
Paano ko makakalimutan ang aking nasaksihan
Kung paulit-ulit ang eksena ng iyong pagyayakapan
Mga labi niyo’y magkalapat
Ni hindi ninyo napansin na ako’y nasa inyong harap?
Sabihin mo sa akin paano mo nagawang ako’y saktan
Paano ninyo nagawang pagtaksilan ako ng aking matalik na kaibigan
Paano mo nasasabi sa akin ang salitang “mahal kita”
Ipinipikit mo ba ang mata mo habang iniisip mo siya?
Ngayon ko nalaman na habang nakatalikod ako
Hawak nyo naman ang punyal na nakasaksak sa likod ko
Na habang minamahal ko kayo sa paraang alam ko
Unti unti nyo naman palang pinapatay ang lahat ng ilusyon ko.