Hanggang Sa Muli
Note: Hanggang Sa Muli is a poem written in reply to @pantastekmiggy's Isang Katulad Mo.
Isang Katulad Mo Hanggang Sa Muli
Hindi mo alam kung gaano kita kamahal
Lahat ng gagawin ko ay para sa'yo lamang
Ngunit bakit iniwan mo ako aking mahal
Pagmamahal bang inalay ko ay kulang?
Hindi kailanman pinagduduhan ang iyong pagmamahal
Alam kong kaya mong ibigay lahat ng aking kailangan
huwag mong isiping pag-ibig mo ay kulang
Sadyang panahon lang nati'y di pinagbigyan.
Sa tuwing titingin sa kalangitan
Laging naaalala ang nakaraan
Nawala ka man sa aking buhay
Puso't isipan ikaw lang lagi ang laman
Huwag mo nang pahirapan pa ang iyong damdamin
Huwag mo nang panoorin ang mga tala't bituin
Huwag mo nang igapos ang puso mo sa akin
Pangarap na habang buhay ay hindi para sa atin.
Hindi madaling bitawan ka
Dahil tanging ikaw ang lakas at sigla
Subalit ako'y walang magagawa
Kung ang puso mo'y may mahal ng iba
Bitaw na mahal, bitaw na hanggang maaga
Bitawan ako at huwag ng lilingon pa
Masakit sa akin ang isipin mong may mahal akong iba
Idinahilan lang ito para mas madaling pakawalan ka.
Kahit na ikaw ay mawala sa piling lko
Sa Diyos oh anong pasasalamat ko
Dahil minsan sa paglalakbay kong ito
Nakakilala ako ng isang katulad mo.
Mahal natin ang isa't isa pero hindi ito sapat
Pasasalamat nalang para sa pagsasara ng ating aklat
Sana'y sa pangalawang buhay tayo'y magkaharap
Baka doon na matupad lahat ng ating pinangarap.
@pantastekmiggy
@qveenisabel06