Musmos Na Ala-ala Ng Kahapon
Prompt: Laruan
Group: ADN Tinta
Team: Good Vibes Lunes
Musmos Na Ala-ala Ng Kahapon
Isa ako doon sa tinatawag na anak ng dekada nobenta Iyong batang ipinanganak sa panahong hindi pa gaanong sibol ang teknolohiya Iyong panahon na ang mga bata ay biniyayaan ng mga malilikhaing gawa At hitik sa imahinasyon sa pag-imbento ng mga libangan nila.
Wala yata akong itulak kabigin sa lahat ng klase ng laro at laruang nakilala Mula sa taguan, pantintero, luksong baka, sungka o maging sa simpleng pagkanta ng langit at lupa Lahat naman kasi sila nagbigay sa akin at sa mga kalaro ko ng kakaibang saya At sila ang nagsilbing daan kung bakit hanggang ngayon may tinatawag akong barkada.
Pero isang munting laruan ang sadyang pinaka ingat-ingatan Isang laruan na sinisilip silip ko pa kadalasan sa kanyang lalagyan Isang laruan na halos hindi ko mabitawan nung ako'y musmos pa lamang Dahil alam kong ginawa ito ng aking tatay at talaga namang pinagpaguran.
Oo, ginawan nya ako ng isang lutu-lutuan Kung saan pwedeng may isang mag astang reyna sa aming munting bakuran Habang ginagawan namin ng ilusyong pagkain at ulam Kaming mga kunwaring alipin nagkakandarapang siyang pagsilbihan.
Pipitas kami ng tatlong piraso ng bulaklak ng gumamela Didikdin ng pinong pino hanggang maging malapot ang katas niya Isasalin sa mangkok habang tuwa tuwa kami sa kulay nitong pula Sabay hain sa aming reynang napapa palakpak pa sa saya.
Ang bilis nga ng oras, hindi namin namalayan ang panahon Lumipas ang mga araw ng mga laruan, taguan, lundagan at talon Teknolohiya na ang nagsisilbing laruan at kalaro ng bata ngayon Nakakalungkot na hindi nila naranasan kung paano maging tunay na bata ng aming henerasyon.