Paralyze
Paralyze
Sabi mo darating din ang oras na mamahalin mo ako Umasa akong malapit na ang panahong ito, Iniisip ko kasi kung ilang gabi pa ba ang bibilangin ko At kung gaano pa ba kalayo ang puso mo sa puso ko.
Sa bawat banggit mo kasi ng salitang "ayaw kitang mawala" Nagkakaroon ng pag-asa ang naghihingalo kong nadarama, Sa tuwing sinasabihan mong ako sa iyo'y mahalaga Nabibingi ako at ang akala ko'y narinig kong sinambit mo'y "mahal kita".
Batid kong mahirap maghintay sa wala Mas masakit din umasa sa taong di naman sayo mula pa sa simula, Ngunit paano ko pipigilan ang bulong ng tadhana Na mahati ang puso ko at di mabuo ng iba.
Hanggang kailan kita kayang mahalin Hanggang mainis ba ang langit na kasama ka sa bawat kong hiling Susuko na ba ako sapagkat di ka nya kayang ibigay sa akin Alam nya kasing hanggang ngayo'y tibok ng puso mo'y sya pa rin.