Extra
Extra
Masakit makita na ang taong pinapangarap ko Tila namamalimos ng pagibig sa taong mahal nito, Mapait na masaksihang lumuluha siya at nabibigo Habang ako, walang magawa kundi sumulyap mula sa malayo.
Gusto kong lumapit para yakapin siya Gusto kong punasan mga luha sa mga mata niya, Gusto kong sabihing ako nalang wag na siya Ngunit takot akong marinig na sabihin niya "SIYA LANG ANG MAHAL KO, WALANG IBA"
Mahirap magpanggap na bawat kirot ay balewala At kahit araw araw bigo di naman natututo, di nadadala, Mahal ko siya pero wala akong karapatang sa kanya'y ipadama Naduduwag ako, natatakot, baka kahit sulyap ay ipagbawal pa nya.
Sa bawat titig ko sa mga mata niya umiiwas siya Kahit konting pagtingin ipinagkakait pa, Dahil sa mga mata niya siya lang talaga Walang magbabago kahit sabihin ko pa ang aking nadarama.
Magiging masaya nalang ba ako sa para sa kanya O pipilitin kong humabol habol at pikit matang magpakatanga? Hahayaan ko nalang bang walang wakas ang aking istorya O makikisingit ako sa kwentong silang dalawa naman talaga ang bida?
@pantastekmiggy || @qveenisabel06