top of page
Isabel

Sa Mata Nagtatago

Note: This poem is written during one of ALDUB ENTOURAGE's activities. The said group is founded mainly to defend ALDUB against bashers. Anyone who likes to join can give a prompt where in their chosen entourage member will try to compose a poem using the said theme.

Prompt: And your eyes have their shadows

Requested by: @tatianawillow14

Sa Mata Nagtatago

Sa iyong mata nasisilayan ko ang kalungkutan

Doon ko nakikita kung sa paanong sa gabi,

tulog ay matagal ka nang iniwan.

Sa iyong mga mata nasisilip ko kung paano mo siya hanapin

sa mga lugar na iyong pupuntahan

At kung paano ka nanghihina tuwing hindi mo siya daratnan.

Sa iyong mga mata nakikita ko kung paano ka nahihirapan

Kung paanong naiisip mo kung ano ang nasa dako pa roon

at kung ano ang nasa pagitan.

Kung paanong ikaw ay nagmamasid sa kung ano ang bukas

at ano ang nakaraan,

Kung paanong hindi ka mapakali kakahiling na sana

kasama mo pa siya sa isang minsan.

Sa iyong mga mata nagtatago ang pangako niyang ika'y babalikan

Babalikan sa lugar kung saan ka niya huling iniwan.

Sa iyong mga matang naguguluhan nandoon ang pusong nasaktan,

At ang aninong mapagmatyag sa kung ano ang meron

at kung meron pa ba talagang aasahan.

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page