Kasagutan
Note: Kasagutan is a poem written in reply to one of @doctonychopper's poems.
Kasagutan
Kung bibigyan ba kita ng tsokolate't bulaklak,
sasagutin mo ba ako?
Hindi ko kailangan ng tsokolate’t bulaklak Tama na sa aking nabibigyan mo ako ng saya’t galak.
Kung gagawin ko lahat ng ipag uutos mo,
maririnig ko na ba ang iyong 'Oo'?
Hindi ko rin hangad ng bawat nais ko’y sundin mo Sapat na sa akin ang alam kong ika’y nasa tabi ko.
Kung magsusulat ba ako ng 'love letter' para sa'yo,
tatanggapin mo na ba ako?
Aanhin ko ang mga sulat kamay na iyong gawa Kung sa mga kilos mo palang pag ibig mo’y akin ng dama.
Kung yayain ba kitang lumabas araw-araw,
magugustuhan mo ba ako?
Kung sa pagyayaya lang malalaman ang sagot sa mga dasal mo Araw-araw na yata akong sasama sa iyong mundo.
Kung luluhod ako sa harapan mo,
sasabihin mo na ba sa akin ang nararamdaman mo?
Hindi mo naman kailangang manikluhod upang ako’ umamin sa iyo Ngingiti na lang sabay titig sa mga mata mo para lang alam mo.
Kung mamanhikan ako sa bahay ninyo,
papayagan ba ako ng mga magulang mo?
Ikaw nalang hinihintay ng nanay at tatay ko Naikwento ko na kasi sa kanila na mahal mo ako.
Kung liligawan ko ba ang nanay at tatay mo,
may pag - asa ba ako?
Yung pag-asang hinihingi mo, subok at lapitan mo Naibalot na kasi ng magulang ko, may kasama pang ribbon sa dulo.
Kung isisigaw ko sa buong mundong mahal kita,
lalabas na ba sa bibig mo ang salitang 'I Love You'?
Hihintayin kong ipagsigawan mo ang tatlong salita Ng maibalik ko at ng masagot kong “Mahal Din Kita”.
Basta kung papaag ka na liligawan na kita
Hindi na kita papakawalan pa.
Maghihintay ka pa ba ng permisong ligawan ako Kung eto na nga, sinusulat lahat ng kasagutan sa mga duda mo.
@doctonychopper
@qveenisabel06