top of page
Isabel & Miggy

Sana

"Sana"

Sana kaya kong ibalik ang kailan at saan

Sana kayo kong ulitin ang nakaraan,

Walang sawang kwentuhan buong magdamagan

At ang tahimik nating usapan kasabay ng mga yakapan.

Sana pwede kong ibalik yung araw na una kitang nakilala

Hindi tulad ngayon na halos hindi mo na ako maalala,

Na kahit sabihin kong ikaw ay mahal pa

Ibang tao na ang iyong katabi't kasama.

Sana noon pa, sana pala binalikan na kita

Sana noon pa, nung may oras pa akong bawiin ka,

Sana ako parin ang dahilan ng iyong mga ngiti at tawa

At sana pangalan ko pa rin ang binibigkas ng labi mo kasunod ng apat na salitang "Mahal na mahal kita".

Sana hindi ako bumitaw nung panahong kailangan mo ako

Sana hindi kita sinuko at nakuntento kung anong meron tayo,

Na kahit hindi sigurado kung saan ito patutungo

Alam natin na kahit papaano nagmamahalan tayo.

Sana maintindihan mong mas pinili kong iwan ka

Kaysa manatili at sa huli'y masaktan pa kita

Sana pag nagkita tayong muli ay mapatawad pa

Kahit na alam kong malabo na, ako'y aasa pa.

Sana tayo pa, sana pwede pang ipagdamot kita sa iba

Sana akin ka pa at wala silang karapatang agawin ka

Sana pwede kong sabihing ako nalang muna

Ako nalang muna ulit, aalisin ang nasa ibang eksena.

Mga sana na walang kasiguruhan

Pero paulit ulit kong inaasam,

Isang maikling salitang patuloy akong sinasaktan

Nagiging bulag at bingi sa aking nararamdaman.

@pantastekmiggy || @qveenisabel06

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page