top of page

Stranded

  • Isabel
  • Feb 14, 2017
  • 1 min read

"Stranded"

Akala mo siguro manhid ako Akala mo siguro bato ang puso ko, Hindi mo alam na sa likod ng bawat ngiti ko Ay ang ang lungkot na nagkukubli dito.

Akala ko wala na ang sakit Pero bakit pilit paring bumabalik, Pangarap na para sa ati'y pilit paring pinipilit Kahit pagkabigo ko'y paulit ulit.

Masaya ka na ba? Ngayong nalaman mong ako'y nasasaktan pa? Masaya ka na ba? Ngayong kasama mo na siya?

Sabihin sa akin, tama nga ba? Nung makitang di ka masaya pinapili kita Sabihin sa akin, mali nga ba? Mali bang itinulak kita kung sa kanya ka sasaya.

Ang pangungulila ko sayo ay hindi nagsimula sa iyong paglisan Nag-ugat ito mula ng nagdesisyon kang magpaalam, Naging patuloy ang pagtakbo ng buhay mo Habang ang akin, paunti-unti, dahan dahan, pira-piraso.

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page