top of page
Isabel

White Flag

Note: The only thing I can remember is that there is actually a guy I am thinking of while I am writing this poem that time. 😅😂😳

White Flag

Alam kong sa una palang mali ng mahalin ka Alam kong ang hinahangad ko'y pag aari na ng iba, Masisisi mo ba ako kung ako'y nahulog na Di kasi ako nasabihan na darating ka pala.

Akala ko sapat na ang masaya ako sa ginawa nating mundo Ang makasama kita kahit saglit kahit na nga patago, Akala ko kuntento na ako sa mga kaunting oras na bigay mo Akala ko kaya ko kahit suntok sa buwan ka kung ituring ko.

Masakit lang na sa bawat pagtatapos ng araw mo Kailangan mong bumalik sa kanya at kalimutan ako, Habang ako walang magawa, di makakibo Tinitignan lang kita habang unti unting lumalayo.

Alam kong mahirap para sayo ang magmahal ng dalawa Pero mas mahirap para sa akin ang umibig sa'yo kung hawak ka na ng iba Gusto ko mang ipagpatuloy ang nararamdaman nating nasimulan na Ayoko lang dumating ang panahong kailangan mong mamili at ayokong mahirapan ka pa.

Ikaw ang taong ginusto ko pero kailangan kong bitawan Ikaw ang taong nagpasaya sa akin pero kailangan kong iwasan, Ikaw ang desisyon na dapat kong gawin kahit napipilitan Ikaw na para sa aki'y tama at dapat ipaglaban Pero ikaw na hindi na dapat pinagpipilitan kasi ako lang ang masasaktan.

4 views
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page