top of page

Bakit Hindi Pa Ako?

  • Isabel
  • Feb 15, 2017
  • 1 min read

Bakit Hindi Pa Ako?

Bakit hindi pa ako? Kahit naman paulit ulit kong tanungin 'to sayo May makukuha bang sagot ang pagmamahal ko?

Bakit hindi ako? Parati nalang ba akong may kahati sayo At nauuhaw sa sukling pwedeng akin namang buo?

Bakit nga ba hindi nalang tayo? Bakit kailangan pang maghintay ako ng ganito? At sarilinin ang pagmamahal na dapat magkasalo tayo?

Bakit, bakit laging ganito nalang ang ikot ng ating mundo Lagi kang nasa kabilang dako At di ka kayang abutin ng bawat yakap ko?

Mananatili nalang ba akong nagsusumamo Tumutulo ang luhang nakatingin sa inyo Habang inuundayan mo ng saksak ang puso ko?

Tama na, sigaw at munting hiling ko Gisingin mo ako sa bangungot ng Mahal mo ako ngunit nauna siyang dumating sa buhay mo.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page