top of page

Dead End

  • Isabel
  • Feb 15, 2017
  • 1 min read

Dead End

Hindi ako ang nasa puso mo ngunit alam kong ikaw ang itinitibok ng sakin Masakit lang na kailangan kong intindihin at hindi na naising ika'y mapasa akin, Mahirap umasa kung ang taong hinihintay ko ay hindi na darating. Nagtatanong kung sa panaginip at pantasya nalang kita pwedeng makapiling.

Sa mga araw na gusto kitang makita, baka sagot mo'y 'saka na' Sa mga oras na gusto kitang makausap, baka sabihin mo'y 'hindi na kailangan pa', Sa mga gabing gusto mayakap kita, takot akong marinig ko sayo'y 'huwag na' At sa mga panahong nais kong sabihing mahal kita, baka sambitin mo 'ako hindi na'.

Madaling sabihing lilimutin kita at maghahanap ako ng iba Maghuhukay at ibabaon lahat ng ala-alang kasama ka, Ngunit papaano kung bawat paglingon mo'y napapabilis mo ang tibok ng puso ko Na sa bawat ngiti'y natutunaw ang mga sakit at tampo sa iyo.

Mahal, turuan mo akong huwag ng mahalin ka

At maipagmayabang kong masaya ako tuwing kasama mo sya, Sa ngayon, puso at isip kasi'y ayaw magkaisa

Ayaw ko na sanang umasa kasi mahal nga kita pero ang sakit-sakit na.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page