top of page
Isabel

Estranghero

Note: I was writing this poem while walking in a busy street. Mas natakot akong mawala iyong mga salita na lumalangoy sa isip ko that time keysa sa takot na mahagip ng kung sino ang phone na gamit ko 😂😜😅 Uo nga pala, this poem was inspired by a song which has a lyrics that goes like this, 🎤🎼 I remember the boy, but I don't remember the feelings anymore 🎤🎼


Estranghero

Muli na naman tayong nagkita Muling pinagtapo ng tadhana, Wala na ang pamilyar na tibok ng puso Wala ang dating kabang nadarama sa'yo.

Pinilit kong hanapan ng dahilan Sinubukan kong mas maintindihan, Hindi na kasi ako nasiyahan Ni hindi ko rin maramdaman ang kalungkutan.

Ngayon ko lang marahil naisip Na di pala ikaw ang totoong pag ibig, Nabulag lang ako ng matinding paghanga Sa lalaking naging kasama sa tuwina.

Paalam sa iyo, estranghero Na minsang dumalaw sa mga pangarap ko, Sa susunod nating pagtatagpo Baka sakaling maalala ko na ang ngalan mo.

24 views
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page