top of page

Huling Liham

  • Isabel
  • Feb 15, 2017
  • 1 min read

Huling Liham

May mga tanong akong hindi mo masagot May mga bagay na tila paikot-ikot, Patuloy akong naguguluhan Kung bakit ka ganun at bakit ka ganyan?

Hindi naman tayo dating ganito Ipaliwanag sa akin ano ang rason mo, Madali akong kausap, una palang sinabi ko Tatalikuran kita kung nahihirapan na ang puso mo.

Paalam na kung yan ang nais mo Kung yan ang magpapasaya sa iyo, At magpapatahimik sa maingay na isip ko Paalam na sa ala-alang iiwan mo.

Hanggang dito nalang Hanggang sa dulo ng wala namang naumpisahan, Hahalik ako sa paghihiwalay na walang dahilan At yayakapin ang bukas na inako ko ang kasalanan.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page