top of page
Isabel

Huwag Na

Note: 'Huwag Na' is a poem written in reply to a poem written by @doctonychopper entitled 'Kahit Saglit Lang'. Mahilig kasi siyang gumawa ng mga tula na makekeso, so ako sasagot ako sa paraang hugot.

I hope na nabibigyan ko lagi ng hustisya yung mga gawa ko na inspired ng mga writings nya :)

Kahit Saglit Lang Huwag Na

Kahit saglit lang

Patingin ng mga mata mong pinaiyak niya,

Kahit saglit lang

Patingin ng mga sugat na iniwan niya.

Huwag na, maaari ba Tutulo na lang kasing muli ang mga luha Huwag na, pwede ba Mabubuhay na lang kasi ulit ang pilat

ng sakit na dulot niya.

Kahit saglit lang

Patingin ng mga bubog na nakatusok pa,

Kahit saglit lang

Parinig ng mga kuwento niyo na naalala mo pa.

Huwag na, di ko na kaya Hayaang mong nakatusok na lang

ang bubog nyang likha Ng maramdaman kong minsan totoo naman pala ang kwento ng pag ibig nya.

Kahit saglit lang

Hayaan mong punasan ko ang iyong mga luha,

Kahit saglit lang

Gagamutin ko ang sugat mo para maghilom na.

Huwag na, tama na Ayokong maging panyo kita

sa tuwing ako'y iiyak pa, Huwag na, malaya ka Huwag mong hayaang ikulong kita

sa sugat kong nagdurugo pa.

Kahit saglit lang

Huhugutin ko ang mga bubog

na humahadlang sa iyong pagiging masaya,

Kahit saglit lang

Handa akong pakinggan ka.

Huwag na, ayokong idamay ka Sa mga matalim na bubog na nanatiling

rehas ko patungo sa umaga Huwag, pilitin mong huwag sumama Sa mundo kong pinag iwanan nya.

Sana'y iyong makita

Na maari mo akong maging sandalan

Kahit saglit lang naman

Maging bahagi ako ng iyong kalawakan.

Nais ko sanang maging kanlungan ka Di isang beses na naisip ko na sana, sana.. Ngunit mas nanaisin kong maging masaya ka Sa buhay mo ng hindi ako kasama Kaysa kapiling akong nagdurusa Sa madilim na kalawakan kong naging hawla.

@doctonychopper

@qveenisabel06

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page