Ilusyon
Note: Actually, nasulat ko 'to high school days pa yata. May narinig akong isang DJ na gustong sumulat ng kanta with the first two lines. Ayun, pakialamera ako kaya kinumpleto ko. Then nakalkal ko sa baul after how many years..
Ilusyon
Maaari bang makipaglaro ang puso mo sa puso ko?
Maaari bang kahit sandali'y magkunwari kang mahal mo ako?
Maaari bang ang iyong sulyap ang maging pag-asa ko
At ang bawat ngiti'y maging katuparan ng pangarap ko?
Maaari bang umasang akong mahagkan ka
O mayakap ang mga bisig mo kaya?
Imposible bang makasama kita
At ako ang pumalit sa lugar nya?
Maaari bang ako'y magtapat na
Na sa una pala'y minahal na kita?
Kayhirap umasa sa wala
Lalo na kapag nanaginip kang dilat ang mata.
Kailan kaya matatapos ang aking ilusyon?
Kailan kaya magwawakas ang mga piping tanong?
Kailan kaya didinggin ang mga dasal ko
Na sana'y bawat isinulat ko'y magkatotoo?