Kaya Mo Pala
"Kaya Mo Pala"
Akala ko mahal mo ako
Akala ko lahat ng sinabi mo totoo,
Kaya mo palang wala ako
Sana sinabi mo nalang ng diretso.
Kaya mo palang gumising ng hindi ako ang nasa tabi mo
Kaya mo palang huwag lumingon kung nasaan ako,
Walang mensahe, walang tawag mula sa iyo
Walang anumang senyales kung babalik ka sa buhay ko
Kaya mo palang kalimutan ako
Hindi na sana ako naniwala sa mga sinabi mo,
Mga pangakong itinanim mo sa puso't isip ko
Kasinungalingan lang pala ang lahat ng ito.
Kaya mo palang bitawan ang mga pangarap na binuo
Sana sa una palang hindi na tayo pinagtagpo,
Sana iniwasan kong mahulog sa haplos at yakap mo
Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.
Kaya mo palang saktan ang puso ko
Kaya mo rin sanang hilumin ang sugat nito,
Kaya mo palang iwanan ako
Kaya mo din sanang ibalik ang dating buhay ko.
Sa bawat sambit mo ng 'mahal kita'
Napaniwala mo ako na ako lang talaga,
Sa bawat pagluha ng aking mga mata
Hiling ko na hinagpis ay sana matapos na.
Ang sakit kasing nakakaya mo ang lahat ng ito
Habang ako, konti nalang suko na yata ang puso ko,
Naghihingalo... Oo, lumalaban pa rin naman ako
Kahit alam kong sa relasyong ito talo naman talaga ako.
@pantastekmiggy || @qveenisabel06