top of page
Isabel

Oo... Yes, Ikaw!

"Oo... Yes, Ikaw!"

Psst... ramdam mo na ba?

Pagkagusto ko sayo'y sobra na,

Psst... nakarating na ba sa iyo?

Sa puso ko kasi ay pinasusundo na kita

Huwag ka na kasing magtaka pa

At huwag mo ng ikumpara ang sarili sa iba,

Sasabihin kong ikaw lang ay sapat na

Upang sila ay hindi na mapansin pa

Sa mga araw na kasama kita

At sa mga panahong karamay ka,

Hindi mo pinapakitang ikaw ay nagsasawa

Kaya naman hindi ko kailanman naisip na iwanan ka.

Nangingiti ka na ba?

Pinipigilan mo na ba ang kilig na nadarama

Huwag mag-alala, hindi ka nag-iisa

Kanina p[a nagwawala ang puso ko sa saya.

Kaya kapit lang mabuti ha

Sasabayan nalang kasi kita,

At hindi ko na kasi kayang itago pa

Sagot ko sa iyo ay matamis na 'Oo' na.

4 views
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page