top of page
Isabel

Alden Richards

Note: I was asked by ate @ALDUBSince2015 to make a poem for ALDUB's 1st Anniversary last July 2016 at hindi ko alam kung nabigyan ko nga ba ng hustisya ang ginawa ko considering she gave me a couple of months to prepare.. hahaha

Alden Richards

Isang binatang mahiyain ang noon samin ang iyong pakilala

Hindi masyadong pansinin, hindi laging nakikita,

Pero lahat sa iyo ay napapalingon at napapangiti

Lalo na kapag lumitaw na ang biloy mo sa iyong pisngi.

Hindi ka sumuko, hindi nakaramdam ng pagal

Sinasamahan mo kasi lahat ng taimtim na mga dasal,

Kaya naman ang pangarap ng iyong ina na ika'y maging artisa

Naabot ng kamay mo at nalagpasan mo pa ng milya milya.

Kulang ang nakalipas na labindalawang buwan

Kung paano ang isang Alden Richards ay aming ilalarawan,

Ngunit sapat na ang isang taong ika'y aming nakasama

Upang sabihing lahat ng dilag ay pinapangarap ka.

Sa mukha mong napaka amo at ugaling maginoo

Hindi na kataka taka bakit puso nami'y nabihag mo,

Hangad nalang namin ngayong anibersaryo nyo

Ang babaeng kasama mo ngayon ang syang maging

sagot sa bawat "Wish I May" ng puso mo.

9 views
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page