top of page
Isabel

ALDUB

Note: I was asked by ate @ALDUBSince2015 to make a poem for ALDUB's 1st Anniversary last July 2016 at hindi ko alam kung nabigyan ko nga ba ng hustisya ang ginawa ko considering she gave me a couple of months to prepare.. hahaha

ALDUB

Buwan ng hulyo ng ang puso nila'y unang nagkita Estranghero man nung simula ngunit gumawa ng paraan ang tadhana, Sino magsasabing sa nahihiyang ngiti may nagtatagong paghanga Na sa likod pala ng kamera may mabubuo silang istorya.

Sa paglipas ng araw ng kilig at saya Hinintay ng lahat ang pagkikita at ang pagsasalita ng isa, Magmula noon mundo ng lahat ay ginulo na nila Di na pinatulog sa pag-aabang sa susunod na lalabas na kabanata.

Sa hirap ng pinagdaanan, sa dami ng kumalaban Sa gitna ng kanilang kasikatan, nanatili silang magkaibigan, Sa nabuong tambalan madami ang nagdasal, madami ang umasa Na hindi lang sa kalyeserye matatapos ang anumang nadarama.

Aakalain mo bang sa loob lamang ng isang taon Ang ALDUB noon, ALDUB na may sumisilip na MAICHARD na ngayon, Na ang inaasam lamang na poreber ng ALDUB Nasyon Totohanan na at hindi na lamang isang munting misyon.

 
 

13 views
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page