Jeepney
Note: Hindi ko na halos matandaan 'yong story behind the poem. Kung paanong nag-umpisa at kung sino sa amin ni @doctonychopper ang naunang sumulat nitong tulang tungkol sa isang love that happens sa isang sakayan daw. Basta ang alam ko, may isa syang tweet about sa crush nya na nakita nya sa isang sakayan. So ako bilang isang dakilang asyumera at pakialamera, feeling ko ako yun *bwahahaha*. Ang ending? Hindi daw love ang naramdaman ng mga karakter namin sa tula, nagkakatinginan lang daw ang mga ito at kinakabahan kasi first time nilang mag wa-wan, two, three sa pamasahe :))
Jeepney
Sino ka, sa isip 'yan ang lagi kong tanong Sa lalakeng kasabay ko tuwing dapit-hapon Pintig ng puso ko'y napapabilis mo Sa tuwing nahuhuli kitang nakatitig sa mukha ko.
Tuwing ako ay pauwi, ikaw ay nakakasabay
Sa jeep kung saan marami ang nakasakay,
Mukha mong maganda agad na bumubungad
Sa anong pagod ko, ako'y napapangiti mo agad.
Di ako mapakali sa bawat sulyap mo Namumula ang pisngi pag lumilitaw biloy sa pisngi mo, Torpe ka ba o may mali akong hinala Di naman pwedeng itanong pagkat nakakahiya.
Gustong - gusto sana kitang kausapin
Kahit makuha lamang ang iyong pangalan
Pero ako'y nauunahan ng kaba at katorpehan
Kailan ko kaya ito malalagpasan?
Akala ko maghihintay ako ng matagal Hihiling at uulit-ulitin ang mga dasal, Nagulat na lang ako ng isang araw Ngumiti ka at nagpakakilala ang isang ikaw.
Ngunit isang araw tayoy'y nagkatabi
Napangiti ako agad at 'hello' ang agad nasabi,
Ikaw din ay ngumiti at nag 'hi'
At doon at nalaman ko ang pangalan mo ay ISAY.
Salamat sa araw araw na kasabay kita Sa jeep mukhang doon tayo tinadhanang magkita, Ang dating ordinaryo lamang na sakayan Sa paglalapit natin ang siyang nagsilbing daan.
Araw - araw sa jeep tayo ay nagkukuwentuhan
Nagtatawanan at nagkukulitan
Anong saya ang aking nadarama
At doon nagsimula ang ating istoryang dalawa.
@qveenisabel06
@doctonychopper