Langit Sa Aking Mundo
Note: This poem is written during one of ALDUB ENTOURAGE's activities. The said group is founded mainly to defend ALDUB against bashers. Anyone who likes to join can give a prompt where in their chosen entourage member will try to compose a poem using the said theme.
Prompt: You Are My Heaven on Earth
Requested by: @iamcarre
Langit Sa Aking Mundo
Sa tuwing masaya ako
Karamay ko ang mga tawa mo,
Sa mga panahong napupuno ng kalungkutan ang puso ko
Nauuna pang tumutulo ang mga luha sa mga mata mo.
Sa mga oras na pabitaw na ang hawak ko
Nakahanda na ang braso mo pansalo
Sa mga madaming pagkakataong nagagalit ako sa'yo
Hindi ko mabilang kung ilang paghingi ng tawad ang nasasambit mo
kasabay ng paghalik mo sa aking noo.
Sa mga iilang beses na natuto kitang talikuran
Hindi ka pumapalyang habulin ako at hagkan,
Nakapikit na parang takot kang ika'y aking iwanan
Kasabay ng pagsasabing "Mahal, hayaan mong ika'y aking sabayan sa iyong pupuntahan".
Sa mga araw na nagtatampo ako sa buhay ko
Nandoon ka, pinapahiram mo ang sa'yo,
Sa mga oras na di ko mahal ang sarili ko
Sinusubukan mong hanapin ang bawat piraso.
Kaya naman sa bawat tagumpay na naaabot ko
Sigaw ko ang ngalan at ang pag - ibig ko sayo,
Umamin ka mahal, paano mo natatago 'yang mga pakpak mo
Paano ka nagsisilbing langit ko dito sa mundo.