top of page

Magbalik Pa Ang Dating Minsan

  • Isabel
  • Feb 16, 2017
  • 1 min read

Magbalik Pa Ang Dating Minsan

Katulad ba ng bawat pagpatak ng ulan Sabay pa kaya tayong may nararamdaman? Sa bawat sandaling yakap ko ang paboritong kong unan Iniisip mo pa kayang mabuhay ng ako ang dahilan?

Matigas ang ulo sa bawat tanong na naiisip Paulit ulit, patuloy ko paring pinipilit, Kahit na sa una palang ay alam na nga ang kasagutan Nananitili akong bulag at nagmamaang maangan.

Gusto ko ng kalimutan ka Pag aaralang sa bagong mundo, hindi na ako ang kasama, Susubukan kong hanapin ang natitirang akin Para tuluyan na kitang mabitawan at magawang palayain.

Pagkat ayoko ng umasa o mangarap ng madilim na umaga Hindi na ako mag aabang sa pag ibig mo naligaw na yata Hindi ko na rin hahayaang lumangoy sa alon ng walang kasiguraduhan At walang hanggang maghintay na magbalik pa ang dating minsan.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page