Maine Mendoza
Note: I was asked by ate @ALDUBSince2015 to make a poem for ALDUB's 1st Anniversary last July 2016 at hindi ko alam kung nabigyan ko nga ba ng hustisya ang ginawa ko considering she gave me a couple of months to prepare.. hahaha
Maine Mendoza
Natatandaan mo pa ba nung sa telebisyon ika'y aming nakita
Ni hindi ka ngumingiti, ni hindi ka marunong tumawa, Madami ang sa simula'y hindi sa iyo pumansin Hindi nga nila ikaw mabigyan ng ikalawang tingin.
Araw ang lumipas, pinatunayan mong ika'y iba Pinakita mong mali ang lahat ng inakala nila, Ilang beses kang sinubok ng panahon Ilang isyu and hindi nagpatigil sa iyong pag usbong.
Sa bawat pabebeng kaway na iyong ginawa Hindi mo alam kung ilan kaming iyong napasaya, At sa di mabilang na likot ng iyong mukha
Halakhak namin ang naging sukli sa tuwina.
Isang taon mo dito ay di naging madali
Mga grupo na iyong taga hanga nagkahati hati, Sandamakmak na insulto, pasaring at paninira Tinawanan mo lang, pinagkibit balikat, di nagpagiba.
Hindi lahat masusulat ang labindalawang buwan na nagdaan Paghanga namin sa iyo sa munting tula nalang ipaparamdam, Tandaan mo lang na sa darating pang araw Mananatiling ang reyna ng ALDUB ay IKAW.