Maniniwala Pa Ba Ako?
Maniniwala Pa Ba Ako?
Maniniwala pa ba ako sa mga titig mo Na para bang ako lang ang siyang nakikita mo, Maniniwala pa ba ako sa mga haplos mo Kung ang iniisip mo namang kayakap ay siya at hindi ako?
Maniniwala pa ba ako sa mga binibigkas ng labi mo Na para bang ako lang ang tanging kausap mo, Maniniwala pa ba ako na ako lang ang mahal mo at walang iba, Kung sa pagtalikod ko kamay niya ay hawak mo na?
Maniniwala pa ba ako sa mga pangakong iyong binitawan Kung sa bawat linya ay nagtatapos sa kanyang pangalan, Maniniwala pa ba ako sa pag ibig na walang hanggan Kung sa bawat oras na iniisip mo sya'y para mo na rin akong iniwan?
Maniniwala pa ba ako na may patutunguhan tayo Na sasaya habang buhay sa piling mo, Maniniwala pa ba ako na meron talagang ikaw at ako Kung sa pag angkin ko sa'yo, nagapos nya na ang puso mo?
@qveenisabel06 || @pantastekmiggy