top of page
Isabel & Miggy

Paglalayag

Paglalayag

Sa tuwing pinag-uusapan ka Lagi na lang akong nangangamba, Lagi akong natataranta Madalas may hapdi pang kasama.

Ang sakit lang kasi ng nangyari sa ating dalawa Hindi ko alam bakit ngayo'y dinadalaw dalaw pa, Ng mga bangungot at ng malungkot na pag-iisa Na kahit anong gawin kong pagpikit ikaw ang syang nakikita.

Sa bawat kantang nadirinig ng aking tenga Nalulunod ako sa pagbabalik-tanaw ng mga ala-ala, Masaya sana tayo ngayon at hindi nagdurusa Malayang nagmamahalan at hindi lumuluha.

Mahal, kung nasaan ka man sana ay masaya ka Maligaya kahit ang ibig sabihin nun ay hindi ako kasama, Mas gugustuhin ko kasing ang bangka ko ay maglayag mag-isa Kaysa sa sumasagwan akong may nakaangkla namang iba.

@qveenisabel06 || @pantastekmiggy

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page