top of page

Sabihin Mo Sa Akin

  • Isabel
  • Feb 16, 2017
  • 1 min read

Sabihin Mo Sa Akin

Sabihin mo sa akin hanggang dito nalang ba Kailangan ko na bang lumayo at sayo'y magpaalam na, Umamin ka at bigyan laya ang sakit na aking nadarama Hindi ko na kayang maghabol pa sa pag-ibig na nawawala.

Sabihin mo sa akin kung siya na ba Kapag pinalaya ba kita, liligaya ka sa piling niya, Magtapat ka, mali bang itinali kita Sa relasyong sa simula lang pala magiging masaya.

Sabihin mo sa akin, minahal mo ba ako At hindi pagpapanggap ang lahat ng nadama ko, Iparamdam mo sa akin tama ba ang desisyon ko Na ibigin ka at papasukin ka sa aking mundo.

Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat gawin Pakiusap wag mo na ulit saktan ang aking damdamin, Pipilitin kong kayanin, pipilitin kong tanggapin Kahit na nga alam kong maaaring wala na ang dating pag-ibig natin.

@qveenisabel06 || @pantastekmiggy

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page