Isabel
Selos
Selos
Paano ba ako magselos, Paano pag ang puso ko'y unti unting ng ginuguhitan ng galos?
Pwede ba akong manakit at maghanap ng sagot sa salitang bakit, Pwede ba akong mag anyong iba at ugaliin ang pagiging ampalaya?
Pwede kaya akong umiyak buong magdamag sa aking kama, O magbasag ng walang makakapigil sa aking pagwawala?
Maaari ba akong gumanti o mawala sa aking sarili, Maaari kayang ngumiti ng pilit o paramihin ang tigyahawat sa kakaisip.
Papaano nga ba ako magselos kung wala naman akong karapatan, Paano ko ipaparamdam sa kanya na ako ay nasasaktan?
Madaling isipin, mahirap iparating. Wala kang maisumbat. Wala kang maibanat.
Magmamasid. Panay lang ang titig Ikukubli ang sakit. Dahan dahan, hihintaying ang puso nalang ay mamanhid.