Tagpuan
Tagpuan
Mahal, natanggap mo ba ang sulat na pinadala ko? Nakarating ba sa iyo na naghihintay ako? Nalaman mo bang bawat oras na dumaraan lumilingon ako Mahirap pero nagbabakasakali lang naman kasi ako.
Ni isang beses di ako sumuko sa pagbabalik mo Ilang araw, ilang gabi akong nagsumamo, Anumang lakas ng unos, di ako umalis sa kinauupuan ko Tahimik na nag aabang sa ilalim ng puno kung saan puso nati'y inukit mo.
Mali ba ang akala kong darating ka? Mali bang pinaniwala kong hindi mo hahayaang ako'y mag isa? Tatapusin ko na ba ang katangahan ko Sa pag-ibig na hindi na kailan man babalik sa piling ko?
Tama na sigurong yung minsan mo akong paasahin Yung minsang saktan at minsan mong paluhain, Masakit lang na minsan mo lang akong minahal Hindi tulad ko, minahal kita ng walang katapusan.