top of page
Isabel

Tatsulok

Tatsulok

Nagkukulitan, hagikhikan na may pagkapilya Nagbubulungan ng kwentong nakakatawa, Ng bigla nalang akong may naalala Sa'yo pala ako ay may ipapakilala.

Hinanap ang kamay mo sabay hila Sa sulok doon sa may nakaupo sa silya doon tayo nagpunta, Nakangiting kinalabit ang nakatalikod na binata Sabay sabing "Kaibigan, siya nga pala, ang aking tadhana".

Ngunit parang may mali, parang may hindi tama Hindi ako masaya sa nakikitang eksena, Ngiti mo'y napawi para yung sa kanya Mata'y malikot parang may hinahanap na nawawala.

Pinigilan kong huwag pumatak ang luha mula sa mata Pinilit kong huwag ninyong mapansin, huwag mahalata, Sinubukan kong pumikit ng hindi ko na makita Pero bakit ganun, halatang may pagtingin kayo sa isa't isa.

Mahal mo siya at alam kong kunwari lang na di mo sya kilala Mahal ka din nya pero sa aki'y nagpanggap siyang may nadarama Sabihin sa akin kaibigan, ako ba'y nagiging makasarili na? Bibitawan ko na ba siya at ng malaya ka ng mahalin nya?

5 views
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page