top of page

Tayong Dalawa, Walang Iba

  • Isabel
  • Feb 16, 2017
  • 1 min read

Tayong Dalawa, Walang Iba

Hindi na kailangang malaman pa nila kung ano ang meron tayo Ang mahalaga ay ikaw at ako at ang nabuo nating mundo, Kailangan pa bang bigyan ng ngalan ang nadarama ng puso Kung tama ng kasama kita at kapiling mo ako.

Masaya akong malaman na ako ang nagdudulot ng kasiyahan mo Na hindi mabubuo ang araw kung di mo makita ang mga ngiti ko, Hanap din kasi kita sa bawat oras na nagdaraan At di ako mapakali pag biloy mo sa pisngi'y di ko nasilayan.

Hindi, hindi na mahalaga ang opinyon ng iba Sapat ng alam kong may tayong dalawa, At alam kong mahal natin ang isa't isa Sa mundong puno ng malilikot na mata at tao'y nabubuhay sa panghuhusga.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page