Isabel
Third Wheel
Third Wheel
Huwag mo na akong lapitan Nakikiusap na kung pwede mo ba akong layuan, Boses mo ay ayoko ng mapakinggan Ni ayaw kong marinig nilang binabanggit ang iyong ngalan.
Akala mo ba hindi ako nahihirapan? Akala mo ba hindi ako nasasaktan? Sa mga bagay na iyong pinaparamdam Pero hindi mo naman kayang panindigan.
Tama na, hindi ko na yata kaya Hiling ko sa buhay koy mawala ka na, Bawat araw kasi lalong lumalakas ang nadarama At masakit isiping di ka naman talaga akin at hinihiram lang kita sa kanya
Sapat na bang mahal mo ako pag wala lang sya Makukuntento sa kung ano lang ang kanyang tira, Magiging masaya na lamang ba ako tuwing nakatalikod sya At doon mo lang nasasabing ako lang wala ng iba.