top of page

Torpedo

  • Isabel
  • Feb 16, 2017
  • 1 min read

Torpe-do

Hanggang tingin nalang ba ako? Hanggang pag-asam nalang ba ng paglapit mo? May takot ka bang nararamdaman O sadyang torpe ka lang?

Ilang beses na kitang nahuli Kapag nakatingin mata'y di mapakali, Ilang beses mo din akong binigo Pagkat sa tuwina'y di kumikibo.

Hanggang kailan kita hihintaying magparamdam Hihintayin pa ba udyok ng mga kaibigan? Puro tingin sabay yuko ang kayang gawin Kailan matatapos ang iyong palipad hangin?

Nais man sabihing gusto kita Dugo ni Maria Clara'y nasa akin pa Kaya pwede ba hangga't maaga Magpaka-Ibarra ka naman at baka maunahan pa ng iba.

Comentarios


Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page