Agam - Agam
Agam - Agam
Nahihirapan kana ba? Naguguluhan ka na ba sa iyong nadarama? Sabihin mo sa akin sinta Para alam ko kung hahawak pa ba ako sa mga kamay mo o bibitaw na.
Mga tawang napalitan na ng mga luha Ang pag gising ngayong umaga ay ibang-iba, Ang dating ngiti sa mga labi ay tila mailap na Napalitan ng pangamba na baka ngayong pag gising ko mahal wala kana.
Alam kong mahirap sa iyo ang umasa Mahirap sa parte mo ang maghintay sa wala, Pero nasasaktan din ako hindi mo lang nahahalata Nadudurog ang puso ko tuwing nagkukunwari kang masaya.
Sabihin mo sa akin kung tama na Papakiusapan ko ang sarili kong tapusin na, Ibabalik ko ang dating kislap sa'yong mata Maririnig ulit ang mga himig ng iyong mga kanta.
Natatakot ka na ba? Natutuliro sa lahat ng iyong nakikita? Patawad, hindi ko masagot lahat ng iyong pagdududa Ni hindi ko kayang isipin ang mga nangyayari sa'ting dalawa.
Nandyan ka pa ba? Gusto kong sabihing sa'yong umayaw ka na, Huwag mo nang hayaang masaktan kita ng hindi sadya Paghihirap mo sa akin ay baka matagalan pa.
Kung kaya ko lang sanang akuin na Lahat lahat ng bagay upang hindi ka na umiyak pa Kung kaya ko lang lahat tuparin ang mga sana Wala na siguro akong mahihiling pa, nandyan ka na.
@qveenisabel06 || @pantastekmiggy