Hanggang Dito Na Lang
- Isabel
- Feb 17, 2017
- 1 min read
Hanggang Dito Na Lang
Masakit na iniisip mong mali pala para sa iyo ang sabihing mahal mo ako Masakit na nagdududa kang tinamaan na nga tayo ng pana ni kupido, Oo, alam kong isang malaking sugal ang pinasok nating dalawa Nagbakasakali lang naman kasi ako, sumubok, umasa.
Naluluha akong marinig sa'yo na natatakot ka Paano ba yan, kung sa yo lang ako kumukuha ng lakas para lumaban pa, Ganun din naman ako, takot akong mabura sa buhay mo Pero mas takot din yata ako sa darating dahil pinipilit pa natin 'to.
Mahal, minahal kita, mahal pa rin kita Pero tama na, ayaw kong bukas ay nasasaktan pa natin ang isa't-isa, Mahal kita, uulit-ulitin ko pa Mahal kita pero di talaga tayo tinadhanang magsama.
Huwag ka ng lilingon pa, bibitiw na din ako Tulad nga ng laging sabi mo, Kakayanin natin lahat ng ito Kaibahan nga lang ngayon, hindi ko na hawak mga kamay mo.