Ikaw, Hindi Sila
Note: "Ikaw, Hindi Sila" is a poem written as a reply to a poem made by @SupladongBolpen.
Ikaw, Hindi Sila
Kung mabait ang hanap mo
Hindi ako iyon,
Hindi mo ako pwedeng asahan
Sa lahat ng pagkakataon
Ayoko sila Ayoko ng iba, Kailangan kita At ayokong mag isa.
Kung ang hanap mo ay laging nakatawa
Tumingin ka nalang sa iba,
dahil mga halakhak malabo mong marinig
Kasing ilap ng aking mga tinig.
Hindi ko hanap ang palatawa Sapat na saking kaya mong ngumiti pag ako'y nakatalikod na, Hindi ko aasahang marinig ang iyong tinig Tama na sa akin ang payapang makulong sa iyong bisig.
Kung may mukha ang gusto mo
Lampasan mo nalang ako,
Hindi ako totoong tao
Resulta lang ako ng imahinasyong magulo.
Hindi ko hangad na makita ang iyong mukha Masaya na akong sa gabi panaginip kita, Kuntento na ako sa imahinasyong gawa gawa Basta ang alam ko doon kasama kita.
Kung ang hinahabol mo naman ay may taglay na kadaldalan
Bagsak na ko dyan, nanalo ako sa pacontest ng walang imikan.
Kung naghahanap ka ng makakausap at namataan mo ako,
Huwag ka ng magtangka at mabibigo ka lang panigurado.
Hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong magsalita Hahawakan ko lang ng mahigpit ang iyong mukha Sabay titig sa kislap ng iyong mata Okay na ako dun kahit isang buong araw na tahimik ka.
Kung talento naman ang iyong gusto
Mas lalong wala nyan ako
Tumingin tingin ka lang sa paligid mo
Baka meron dyan, nagtatago lang sa'yo.
Hindi ko din kailangan ng talento mo Hindi ng ano pa mang ibang bagay na galing sayo, Bakit maghahanap pa ako ng ibang sakin may gusto Bakit papagurin ko pa ang sarili sa taong nagtatago?
Kaya sige , huwag mo na akong tignan
Huwag ka ng mag askya ng oras na ako'y lapitan,
Dahil sigurado akong di ako ang hanap mo
Baka sakaling sa iba mo makikita, hindi ako.
Huwag, pakiusap! Huwag mo akong pagbawalan Huwag kang lumayo at pabayaan mo akong ika'y lapitan, Hindi sila, kundi ikaw ang aking kailangan Huwag na huwag mong tatangkain ako'y iyong ipagtabuyan.
@SupladongBolpen
@qveenisabel06