top of page
Isabel

Ikaw Sana

Note: "Ikaw Sana" is a poem written as a reply to a poem made by @SupladongBolpen. Hindi nga lang kami pareho ng scene na naisip pero at the end, still the love story both have a tragic ending :(


Ikaw Sana

Nagpunta sa simbahan at nakita kita

Muling nagwala ang puso ko sa kaba,

Kahit talaga gaano katagal ang lumipas

Epekto mo sa akin hindi kumukupas.

Sa simbahan muli tayong nagkita Pansumandaling tumibok ang puso ko ng mata nati’y nagtugma, Sa biglaang presensya mo ako ay nataranta Di ko nga lang maipinta ang emosyon mo sa iyong mukha.

Lumipas sa direksyon ko sabay kumaway

Na tinugunan ko lang ng pagtaas ng aking mga kamay,

Lalapit ka pa sana pero ika'y napigilan

Dahil sinalubong ka na ng ating mga kaibigan.

Pasimple kitang nilingon at kinawayan Sinusubukan kitang batiin, paa’ y gusto kang lapitan, Ngunit dumating nalang bigla ang ating mga kaibigan Hindi ko na nagawang kamustahin ang ating nakaraan.

Di man nakarating sa aking kinatatayuan

Nagkasya na lang sa pagtingin sa'yo sa kalayuan

Pero sandali nabanggit ko ba?

Na mas lalo kang gumanda sa suot mong traje de boda.

Nakaw na sulyap na lang ang aking nagawa Hanggang doon na lang, di ko na kayang sundan pa, Suot na traje de boda ang nagsisilbing munting paalala Na di na nating kayang dugtungan ang anumang meron sa ating dalawa.

Sa akin muling sumulyap at ngumiti

At nabasa ko ang paghingi ng paumanhin ng mga labi,

Basta ang mahalaga dumating ako sa kasal mo

Tulad ng ipinangako ko sa iyo.

Sa huling pagkakataon, pinilit kong sa kinatatayuan mo’y sumilip Isang ngiti ng paumanhin sayo’y di ipinagkait, Masaya akong tumupad ka sa iyong pangako Hindi nga lang tulad ng unang plano mo na sa altar hihintayin ako.

At ng hindi na makatiis ako na sana ang lalapit

Tatayo na sana at hahakbang pero sa braso mo'y may kumapit,

Isang batang babae na kayganda ng mukha

Sabay sabing, 'halika na, oras na'.

Kita ko ang pag aalinlangan sa iyong tingin Hahakbang ka sana, parang may simpleng habilin Natigil lamang ng sa aking kamay may kumapit Sabay hila at sabi sa akin “Oras ng kasal ko'y nalalapit”.

Ako sana ang lalakeng kasama mo sa dambana

Tutupad sa mga pangarap mo isa-isa,

Pero gustihin ko man, anong aking magagawa

Kung puso ko na mismo ang tumigil sa paghinga.

Ikaw sana ang lalakeng kasama ko ngayon Haharap sa maykapal, susumpa ng habang panahon, Pero gustuhin man nating ibalik ang dati, At pagbigyang muli ang pagkakataon Huli na’t pagkat ang naiwan mo noon, may iba ng nagmamahal sa kanya ngayon.

@SupladongBolpen

@qveenisabel06

10 views
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page