Kumusta Ka? Mahal Pa Rin Kita.
Kumusta Ka? Mahal Pa Rin Kita.
Kanina pa ako dito sa aking kama, nakahiga Nakatitig lang sa papel, gusto ko kasing isulat ang nadarama, Sa pagsapit kasi ng gabi, sa paglubog ng araw Inaamin kong ang laman ng isip ko’y ikaw.
Kumusta ka na kaya? Ni minsan ba’y naisip mong ako’y nag aalala, Ni minsan ba naalala mo ako sa isang awitin o kanta O naiusal mo sa labi mo ang katagang “miss na kita”.
Ang hirap isiping nagdesisyon akong sukuan ka Ngayon, para tuloy akong nagsising binitawan kita, Sinabing ang pagmamahal ko sayo’y naglaho na Ngunit ang totoo, nagtatago lang ang “mahal pa rin kita”
sa mga tagpong ako’y nasasaktan na.
Mahal mo pa rin ba sya? Patuloy pa rin ba akong aasa na isang araw ako ang papalit sa pwesto nya Gusto ko na kasing balikan ka Pero ayaw ko doon sa mga panahong akin ka tuwing wala lang siya.