top of page

Maling Akala

  • Isabel
  • Feb 17, 2017
  • 1 min read

Maling Akala

Sinabi mong ako lang ang iyong mahal Inulit-ulit mu sa akin ng kaytagal, Itinatak pa sa ilalim ng punong tagpuan Nakasulat sa pader na madalas nating hintuan.

"Ako lang ang iyong mahal" Pumasok lang pala ako sa isang malaking sugal, Nalalanta ang puno, mga pangako di nagkatotoo Pader na nabuo, madali din palang gumuho.

Hindi dahil sa bagyong dumaan O sa lindol at kwento ng nakaraan, Aking napatunayan at ako lang ay nasaktan Masakit lang na sa huli ko pa nalaman.

Mahal kita yan ang tibok ng puso ko Ito rin ang sambit tuwing lalapit ako sa'yo, Nadurog lang ako sa naging huling sagot mo "Pasensya na, napagtanto kong hindi ikaw ang tunay mahal ko".

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page