top of page
Isabel, IGea & LanLan

Nang Mabuo Ang TNMO

Note: One Monday morning, out of the blue... Me, Igea and Lanlan had come up with a poem for the 2nd Weeksary celebration of our friendship with @ALDUB_MACHO. Ganun siya kaespesyal. Isipin niya yun ang busy kaya namin. hahahaha


Lesson learned sa friendship namin? Huwag na huwag pupusta sa basketball games. You might get lost the bet in the end and you'll get crazy, lunatic friends instead. :))

Igea:

Araw ng lunes ng isinulat sa aklat Dalawang koponang magigilas ay magtatapat, Mga panatiko kanya - kanya ng diskarte Makapanood lang ng labang inaabangan ng halos lahat ng mga kontinente.

Kanya kanyang hula sino ang mag uuwi ng kampeonato Di mawawala syempre ang mga pustahan lalo na sa mga kaibigan mo,

Asaran, kulitan, hiyawan at kantyawan Habang umaariba ang mga pambato ng mga koponan.

Mga higante at maliliksing manlalaro ayaw lubos magpaungos Kabadong kabado na nga ang mga manonood dahil lagi na’y dikit ang mga puntos,

Sa isang sulok may nagdarasal nang taimtim Bulong nya'y sana manalo ang kanyang paboritong team.

Dahil napasubo na sa pustahan At halagang dudukutin ay napakalaki pa naman,

Huling limang minuto Mukhang may iiyak ng bato Sapagkat ang kanyang mga idolo, Tila uuwi ding luhaan at talo.

LanLan:

At natalo na nga ang paborito nyang koponan Kaya't ng ito'y kanyang malaman, sya'y aking pinagtawanan Kay laki kasi ng kanyang ipinusta Kung inilibre nya nalang ako di sana'y ako'y nabusog pa.

At hindi pa doon ako nakuntento Nagtawag pa ako ng mga magiging kakampi ko, Upang laging ipaalala ang kanyang ginawa Team No Move On doon nagsimula.

Araw araw kung siya ay aming i-bully Kaya naman sigurado akong siya na ngayon ay nagsisisi Na sabihin sa amin na natalo siya sa isang pusta Pero anong aming magagawa, madaldal siyang talaga!

Isabel:

Kaya naman sa araw na ito Hayaan ninyong handugan siya ng tulang aming nabuo, Sa ikalawang lingo ng pagtatagpo Ng mga buhay naming magugulo.

Araw araw niya kaming napapasaya Ng mga typo niyang kay Igea niya nakuha, Halakhak sabay ng mga ulo naming napapailing Kapag bumida na ang tinagurian naming typo king.

Wala na yatang hihigit pa sa mga biro niyang dala At sa di mabilang na pinagsamahang 'kakakaka', Lab namin siyang tatlo, huwag siyang mag alala Kahit ngalan niya'y tunog hospital talaga.

Siya ang nag-iisa naming macho Ang nag-iisang keso ng mga hugot namin sa puso, Ang taga sabon sa aming mga kabaliwan At ang master namin sa aming kalokohan.

Kaya’t bago matapos itong aming kwento Hayaang pasalamatan namin ang naging pusta sa laro, Apat na baliw ay nagtagpo-tagpo At isang pagkakaibigan ang siyang nabuo.

@IEmmaS_ || @lanskie08 || @qveenisabel06

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page