top of page

Pagdududa

  • Isabel
  • Feb 17, 2017
  • 1 min read

Pagdududa

Sabihin mo sa akin kung paano kita kakalimutan? Kung sa bawat araw na matatapos ang laman ng isipan ko'y ikaw, Sabihin mo sa akin kung paano kita bibitawan? Kung sa bawat pagpikit ay naroon ang masayang ala-alang iyong iiwan

Sabihin mo, paano ko isusuko ang pagiging masaya Kung ngayon palang gumuguhit na ang sakit sa bawat linya sa naririnig na kanta, Harapin mo ako at susubukan kong tanggapin ang mga sagot mo Tignan mo ako sa mata, nakikiusap na hinagpis koy tapusin na.

Naghihintay ako, hinahanda unti-unti ang aking puso Umaasang ibulong mong mali lahat ng iniisip ko, Sabihin mong mahal mo pa rin ako Ng ang pagdududa ko'y tuluyan ng maglaho

Hawakan mo ang kamay ko, halikan bawat daliri nito Yakapin mo ng mahigpit, yung tipong madudurog na mga buto ko, Idikit mo ang labi mo sa aking noo Kahit sa huling beses, iparamdam mong minsan minahal mo din naman ako.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page