Pamamaalam
Pamamaalam
Huli na ito Huling beses kong sasabihin sa iyo tapos bibitaw na ako, Huli na ito Huling beses kong ipadarama tapos susuko na ako.
Alam ko namang sa una palang malabo na ang tayo Batid kong hindi pareho ang nararamdaman mo sa nararamdaman ko, Pero huli na ito pangako Huling pag-iyak, huling pag tulo ng luha para sa iyo.
Pero bago matapos ang pag ibig ko sayo Hayaan mong simulan ko sa panahong nakita kita
at bumilis ang tibok ng puso ko sa'yo, Sa mga panahong ang halakhak at tawa mo ang bumubuo ng araw ko At sa mga pagkakataong hawak mo ang kamay ko habang naglalakbay tayo sa sariling mundong binuo ko.
Pero sa ngayon mahal, tama na, huli na ito Gusto man kasi kitang ipaglaban, pero papaano? Paano pa kita ikukulong sa mga yakap ko Kung ang hinahanap hanap ng puso mo’y di naman ako.