top of page

Patawad

  • Isabel
  • Feb 17, 2017
  • 1 min read

Note: This poem was inspired by a poem made by @ghelle22. At kung tama ako story din ng past nya to?! hahahaha Sorry loves :))

Patawad

Akala ko naayos na natin ito

Akala ko meron ng 'tayo'

Akala ko nabura na ang 'ikaw at ako'

At sinama mo na ako sa'yong plano.

Ngunit bakit ganun mahal?

Tuluyan mo na ba akong kinalimutan

Bigla ka nalang di nagparamdam

Parang hangin lang na dumaan.

Sinubukan kitang hanapin

Sinubukan kitang tanungin,

Masakit lang na hindi ko kayang tanggapin

Na 'I'm sorry' ang naging sagot mo sa akin.

Binigyan kita ng panahong ako'y balikan

Tatlong buwan bago kita bitawan,

Hinintay kita araw-araw, magdamagan

Doon sa sulok umiiyak, nag-aabang.

Dumaan ang ikaapat na buwan

Ni isang mensahe wala kang naipadala man lang,

Nagulat na lang sa pagdating ng ikalimang buwan

Sumulpot ka't gusto akong kausapin ng tayong dalawa lang.

Pinaliwanag sa akin ang dahilan

Kung bakit bigla ka nalang lumisan,

Nakinig at alungkot sa iyong pinagdaanan

Isinukli ko ang ngiti ng kapatawaran.

Ngunit may isa ka palang kahilingan

Hangad mo'y dugtungan ang ating nakaraan,

Patawad, sa mata'y ikay aking tinignan

Ngunit dating pag-ibig ko sa iyo'y parang bulang naglaho na lang.

Recent Posts

See All
Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square

© 2017 by MARRION ISABEL. Proudly created with Wix.com

bottom of page