top of page
Isabel & Miggy

Sa Pagitan

Sa Pagitan

Ayaw kang saktan ngunit hindi na sapat ang pag-ibig

Paulit-ulit mo akong dinudurog ngunit ni minsan sa akin ay wala kang narinig,

Bibitiwan ko na ngayon ang lahat, pipigilan na

Ang umibig sa isang tulad mo ay hindi basta basta.

Nakiusap ako sa iyo, nag-makaawa

Sabi ko hindi ko na kaya, pakiusap itigil na,

Tama na, sobrang mahal kita

Pero hindi ko na yata kayang ipagpatuloy pa.

Nahihirapan na ako, nagdudusa sa piling mo

Nakikiamot ng konti sa dami ng mahal mo

Nasanay na nga dalawang mga mata ko

Makita ang mundo na pula ang kulay nito.

Makisundo naman ako, nasa pagitan kasi ako ng "tama na" pero "kailangan pa"

Ng "suko na" pero "konting tiis pa"

Ng "akin ka" ngunit "kahati ko sila"

Ng "mahal nga ba talaga kita?" o "nabubulagan na lang ba?".

@qveenisabel06 || @pantastekmiggy

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Me
  • Instagram
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
bottom of page