Siya Pa Rin
Siya Pa Rin
Matagal ng puso ko ikaw ang laman
Mula ng tayo ay bata pa hanggang maging matalik na magkaibigan,
Kasamang tumawa, umiyak, gumawa ng mga kalokohan
Hindi ko lang makaya na pati ang pagmamahal sa iba ay aking masasaksihan.
Walang araw na hindi ako lumuha habang nakikita ko kayong masaya
Walang pinalampas na sandali ang sakit tuwing yakap mo siya,
Lagi nalang akong nasa sulok ngumigiting mag -isa
Iniisip kung gaano ako katanga tuwing sinasabi ko sayo na "bagay kayong dalawa".
Kaya naman isang araw ako ay nagtaka
Di alam kung ano ang aking madarama,
Iniwan ka nya at sinabing hindi na babalik pa
Hinayaan kitang sa tabi ko habang nakikita ko kung gaano mo iyakan ang pagkawala nya.
Ilang araw at buwan pa ang nagdaan
Akala ko hanggang doon nalang,
Kaya't anong saya ng umaming saki'y may nararamdaman
Mahal mo ako higit pa sa isang matalik na kaibigan.
Kaya naman nagdesisyong paghihirap mo'y huwag ng magtagal
Sinabing magkita tayo sa ating sikretong tagpuan,
Doon ko ibibigay ang matamis kong 'Oo sayo
Upang ang dating pangarap ko'y maging ng totoo
Ilang oras akong sayo'y naghintay
Nagtaka ng ang pilit na ngiti mo'y biglang sumilay,
Dahan dahan ang paglapit mo sa akin
Kamot ang ulo, kinakabahan ang mga tingin.
Ibubuka na sana ang bibig sasabihing mahal kita
Ngunit inunahan mo ako ng balitang bumalik na sya,
Kaya pala natagalan, kayo muna ay nagkita
Nagdesisyong dugtungan ang meron sa inyong dalawa.
At ngayon saki'y nagpapaalam ka
Di mo kayang ituloy kung anong naumpisahan na,
Nagkamali ka pala sa iyong inakala
Na kaya mo ako akong mahalin kapalit nya.
Isang tango nalang ang aking naisagot
Di ko kasi makapa ang sakit, lungkot o poot,
Mabagal na pagtalikod mo palayo kasabay ng "paalam" na bulong
Habang tanaw ko syang naghihintay sa iyo sa ibaba ng burol.